Pagluluto:Pritong Manok

Mula Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Itong luto ay kilala rin bilang Fried Chicken.

Sangkap[baguhin]

1 kilo manok, hiniwa sa maliliit na piraso
2 kutsarita toyo
1 kutsarita asin
3 piraso kalamansi
3 tasa mantika pamprito
1 tasa arina
1 kutsarita asin
½ kutsarita paminta
2 piraso itlog, binati
1 tasa breadcrumbs

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ibabad ang manok sa toyo, asin at katas ng kalamansi nang 1 oras o magdamag.
  2. Painitin ang mantika sa kawali.
  3. Budburan ng arinang tinimplahan ng asin at paminta ang manok.
  4. Igulong sa binating itlog at pagkatapos ay sa breadcrumbs.
  5. Iprito hanggang maluto ang manok at lumutong.
  6. Patuluin.
  7. Ihain kasama ng ketchup, o gravy bilang sawsawan.