Pagluluto:Potato Croquettes
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | patatas (nilaga, tinalupan at niligis) |
| 2 | kutsara | pinalambot na mantikilya |
| 3 | pula ng itlog | |
| ¼ | kutsarita | asin |
| ¼ | kutsarita | paminta |
| 1 | tasa | arina |
| 2 | buo | itlog, binati |
| 1 | tasa | breadcrumbs |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Paghaluin ang niligis na patatas, mantikilya at pula ng itlog.
- Timplahan ng asin at paminta.
- Kortehing habilog, mga 3" ang haba.
- Palamigin sandali sa repridyerator.
- Pabalutan ng arina at igulong sa binating itlog.
- Pabalutan ng breadcrumbs.
- Palamigin uli para kumapit ang breadcrumbs.
- Magpainit ng mantika at prituhin ang kroketas hanggang Pumula.
- Patuluin ang sobrang mantika bago ihain.