Pagluluto:Potage Parmentier
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ½ | tasa | mantikilya |
| 1 | tasa | hiniwang sibuyas |
| ¾ | kilo | patatas, binalatan at hiniwang manipis |
| ¼ | kilo | leeks, tinadtad |
| 6 | tasa | sabaw ng manok o gatas |
| 1 | tasa | cream |
| 1 | kutsara | nutmeg |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | pamintang puti |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantikilya sa kaserola.
- Igisa ang sibuyas at patatas ng 2 minuto.
- Isama ang leeks at lutuin ng 3 minuto.
- lbuhos ang sabaw ng manok o gatas.
- Hayaang lumambot ang patatas.
- Palamigin ng bahagya at pagkatapos ay gilingin sa blender hanggang pumino.
- Ibalik sa kaserola at idagdag ang cream, nutmeg at pantimpla.
- Ihaing mainit na may parsley sa ibabaw.