Pagluluto:Potage Crecy
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kutsara | mantikilya |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
½ | kilo | carrot, hiniwang pakuwadrado |
2 | tasa | sabaw ng manok |
½ | kutsarita | asukal |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
4 | tasa | gatas |
¼ | tasa | tinadlad na parsley |
¼ | tasa | whipped cream |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas hanggang lumambot.
- Isama ang carrots at sabaw.
- Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy at hayaang lumambot ang carrot.
- Timplahan ng asukal, asin at paminta.
- Palamigin.
- Gilingin sa blender hanggang pumino.
- Isalin sa ibang kaserola at pakuluin uli.
- Idagdag ang gatas at lutuin pa ng 5 minuto.
- Paibabawan ng parsley at cream.