Pagluluto:Pork Teriyaki
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ½ | tasa | toyo |
| 1 | tasa | tubig o malamig na sabaw ng manok |
| ¼ | tasa | mirin o sake |
| ½ | tasa | asukal |
| 2 | kutsara | ginadgad na luya |
| 10 | hiwa | lomo ng baboy |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Paghaluin ang toyo, tubig, mirin, asukal at luya.
- Iayos ang karne sa isang baking pan.
- Ibuhos ang pinaghalong sangkap sa ibabaw ng karne.
- Hayaang nakababad ng ilang oras para maglasa.
- Baligtarin ang karne para mababad ng husto.
- Lutuin sa kaunting mantika hanggang lumambot.