Pagluluto:Pork Goulash
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 ½ | kilo | karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado |
| ¼ | kutsarita | asin |
| ¼ | kutsarita | paminta |
| ¼ | tasa | mantika |
| ¼ | tasa | clarified butter |
| 1 | kutsara | tinadtad na bawang |
| 1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
| ¼ | tasa | tomato paste |
| 1 | kutsara | Hungarian paprika |
| 2 | tasa | brown sauce |
| ½ | tasa | brown stock |
| 10 | piraso | patatas, hiniwang pakuwadrado |
| 10 | piraso | carrots, hiniwang pakuwadrado |
| ¼ | tasa | ginadgad na balat ng lemon |
| 1 | kutsarita | mantikilya, hinalo sa |
| 1 | kutsarita | caraway seeds |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Timplahan ang karne ng asin, paminta at paprika.
- Papulahin sa mainit na mantika.
- Isantabi sa pinggan.
- Idagdag ang clarified butter sa kaserola at papulahin ang bawang.
- Isama ang sibuyas, tomato paste at paprika.
- Sangkutsahin.
- Ihalo ang brown sauce, brown stock at ang tinabing karne.
- Pakuluin.
- Hinaan ang apoy, timplahan at lutuin pa ng 45 minuto o hanggang lumambot ng husto ang karne.
- Ihalo ang patatas at carrots.
- Lutuin hanggang lumambot.
- Bago ihain, ihalo ang balat ng lemon at ang pinaghalong mantikilya at caraway seeds.