Pagluluto:Pork Chops Pizzaiola
Itsura
Sangkap
[baguhin]10 | piraso | pork chop (tinanggalan ng sobrang taba) |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
2 | kutsara | mantika |
2 | kutsara | olive oil |
2 | kutsara | tinadtad na bawang |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
¼ | kilo | kamatis (banlian, balatan at tanggalan ng buto bago tadtarin) |
½ | tasa | red wine |
½ | tasa | brown sauce |
1 | kutsarita | tuyong basil |
½ | kutsarita | oregano |
1 | dahon | laurel |
½ | tasa | button mushrooms, inapat |
½ | tasa | hiniwang julienne na siling berde |
5 | piraso | black olives, inapat |
½ | tasa | ginadgad na mozzarella cheese |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Timplahan ang mga pork chops ng asin at paminto.
- Lutuin sa kaunting mantika hanggang lumambot.
- Itabi.
- Sa isang kawali, painitin ang olive oil at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Sangkutsahin.
- Ihalo ang red wine, brown sauce, basil, oregano at laurel.
- Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
- Timplahan.
- Isama ang mushrooms, sili at olives.
- Lutuin pa ng ilang minuto.
- Iayos ang mga pork chops sa isang baking pan.
- Ibuhos ang nalutong sarsa.
- Budburan ng ginadgad na keso.
- Isalang sa oven hanggang matunaw ang keso.