Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Poached Fish with Mustard Sauce

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 kilo fish fillet, hiniwa sa 10 bahagi
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta pantimpla
¼ tasa katas ng lemon
2 tasa sabaw ng isda
½ kutsarita rosemary
2 kutsara mantikilya
½ tasa tinadtad na sibuyas
¼ tasa white wine
½ kutsara mustard
1 tasa fish veloute
½ tasa cream
¼ tasa tinadtad na parsley

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Timplahan ang isda ng asin, paminta at ⅓ ng katas ng lemon.
  2. Itabi para lumasa.
  3. Sa isang malapad at mababaw na lutuan, isalin ang sabaw at pakuluin.
  4. Timplahan ng asin, paminta, rosemary at ⅓ ng katas ng lemon.
  5. Hinaan ang apoy at ilagay ang isda.
  6. Lutuin ng 10-15 minuto hanggang lumambot.
  7. Patuluin.
  8. Sa isang kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
  9. Paglambot ay isama ang wine, mustard, fish veloute at natitirang katas ng lemon.
  10. Timplahan ayon sa panlasa.
  11. Isama ang cream.
  12. Iayos ang isda sa pinggan.
  13. Paibabawan ng sarsa.
  14. Budburan ng kaunting parsley.