Pagluluto:Poached Eggs Benedict
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | tasa | tubig |
1 | kutsarita | suka |
12 | piraso | itlog |
12 | hiwa | tinustang tinapay |
12 | piraso | hiwang hamon, pinirito |
¾ | tasa | Hollandaise sauce |
Para sa Hollandaise Sauce
[baguhin]1 | tasa | mantikilya |
4 | piraso | pula ng itlog |
1 | kutsara | tubig |
1 | kutsara | katas ng lemon |
½ | kutasrita | asin |
½ | kutsarita | pamintang puti |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ilagay ang tubig at suka sa kaserola.
- Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
- Magbiyak ng isang itlog sa platito at dahan-dahang ihulog sa mainit na tubig.
- Lutuin hanggang mabuo o lumutang.
- Ahunin ng slotted spoon at patuluin ang sobrang tubig.
- Ulitin ang ganitong pamamaraan para sa lahat ng itlog.
- Magdagdag ng mainit na tubig kung kailanganin.
- Maglagay ng isang hiwang ham sa bawat hiwa ng tinustang tinapay.
- Ipatong ang nalutong itlog.
- Paibabawan ng isang kutsarang Hollandaise sauce.
- lhain ng mainit.
Para sa Hollandaise Sauce
[baguhin]- Tunawin ang mantikilya.
- Isantabi para humiwalay ang dilaw sa puting bahagi.
- Isalin ang dilaw na bahagi sa isang lalagyan, ito ang tinatawag na clarified butter.
- Itabi ang puting bahagi sa repridyerator para sa ibang pagluluto.
- Ilagay ang pula ng itlog at tubig sa stainless na mangkok.
- Ipatong ito sa kaserola na may kumulong tubig.
- Batihin ng wire whisk hanggang fluffy at halos maluto na.
- Alisin sa apoy at dahan-dahang ibuhos ang clarified butter hahang tuloy-tuloy na binabati.
- Timplahan ng katas ng lemon, asin at paminta.