Pagluluto:Pinaupong Manok
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | buo | manok |
2 | buo | sibuyas |
1 | buo | bawang |
4 | piraso | luya, tig-isang pulgadang laki |
6 | butil | paminta |
1 | dahon | laurel |
3 | tasa | rock salt |
Sarsa
[baguhin]1 | kutsara | dinurog na luya |
1 | kutsara | dinikdik na bawng |
½ | tasa | mantika |
½ | kutsarita | asin |
Paraan ng Pagluto
[baguhin]- Balatan ang sibuyas, Tusukin ang mga butil ng bawang.
- Kuskusan ang loob ng manok ng asin at ilagay sa loob ang sibuyas, bawang, luya,, butil ng paminta at lauel.
- Kuskusan din ng asin ang balat ng manok.
- Ilagay ang asin sa isang malaking kaserola at ayusin nang may 1 pulgadang kapal. Ilagay ang manok na nakasayad ang pitso sa asin.
- Huwag ididikit ang manok sa gilid ng kaserola.
- Takpan ang kaserola at lutuin nang 1 oras sa katamtamang init.
- Huwag aalisn ang takip habang niluluto.
- Kapag naluto na ang manok, tusukin ng malaking tinidor upang maiangat ang manok sa kaderong pinaglutuan.
- Ingatang huwag masira ang buong manok.
- Lagyan ng sarsa ang buong manok.
Paggawa ng sarsa
[baguhin]- Igisa ang dinikdik na bawang at luya sa mantika.
- Timplahan ng asin ayon sa panlasa.