Pagluluto:Pinasingawang Pato
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | buo | pato, nilinis na mabuti at wala ng balahibo |
| 3 | kutsara | kabute na hiniwa ng pakuwadrado |
| ¼ | tasa | apulid |
| ¼ | tasa | labong |
| ½ | kutsarita | katas ng luya |
| ½ | kutsarita | asin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Linisin munang mabuti ang pato.
- Alisin ang mga buto nito pagkalinis.
- Punasan ng asin ang buong pato sa pamamagitan ng kamay.
- Ilagay ang mga palaman (kabute, apulid, labong) at itabi muna ng isang oras.
- Pagkaraan nito, basin ng katas ng luya at isang tasang sabaw na inihanda.
- Taliin ang leeg ng pato at pasingawan ng 2 ½ oras sa double boiler.
- Pagkaluto, maari na itong hanguin at ihaing mainit pa.