Pagluluto:Pinalutong na Kangkong
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | tali | kangkong |
1 | piraso | itlog |
1 | tasa | malamig na tubig |
1 ½ | tasa | cornstarch |
½ | tasa | arina |
½ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
½ | tasa | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Tanggalin ang mga dahon ng kangkong.
- Hugasan at patuyuin.
- Gamitin ang mga tangkay sa ibang pagluluto.
- Sa isang mangkok, batihin ang itlog.
- Idagdag ang tubig, cornstarch. arina, asin at paminta.
- Haluing maigi.
- Painitin ang mantikang pamprito.
- Isa-isang ilubog ang mga dahon sa pinaghalong batter.
- IIadlad ang mga dahon bago ihulog sa mantika.
- Iprito hanggang lumutong.
- Patuluin.