Pagluluto:Pilipit
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | tasa | arina |
1 | piraso | itlog |
¼ | kutsarita | baking powder |
½ | tasa | gatas ng evaporada |
½ | kutsarita | asin |
½ | tasa | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Paghaluin at salain ang lahat ng tuyong sangkap.
- Batihin ang itlog at idagdag sa gatas.
- Idagdag ang nasalang na mga tuyong sangkap at masahin hanggang maging makinis.
- Gawing pahabang bilog ang masa at hatiin ng ½ pulgada kada isang piraso.
- Bilogin ang bawat piraso hanggang maging 4 pulgada ang haba, pagdugtungin ang dulo bago pilipitin.
- Iprito ng lubog sa kumukulong mantika.
- Pagmamulamula na ay hanguin na.
- Maaring isawsaw sa sarsa kung ninanais.