Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Pesang Dalag sa Miso

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]

Pangunahing sangkap

[baguhin]
1 piraso dalag, nilinis hanggang pumuti
1 kutsara mantika
1 piraso maliit na luya, hiniwa
2 kutsara tinadtad na sibiyas
2 tasa hugas-bigas
2 kutsarita pamintang buo
¼ piraso ulo ng repolyo, hiniwa
¼ tasa tinadtad na sibuyas na mura
1 kutsara asin pantimpla

Para sa miso

[baguhin]
1 kutsara mantika
1 kutsarita dinikdik na bawang
2 kutsara tindtad na sibuyas
¼ tasa tinadtad na kamatis
3 kutsara miso, hinugasan na
½ tasa tubig

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Hiwain ang dalag sa apat na piraso at pagkatapos ay asinan.
  2. Magpainit ng mantika sa kaserola at igisa ang luya at sibuyas.
  3. Idagdag ang isda.
  4. Ibuhos ang hugas-bigas at pamintang buo.
  5. Hayaang kumulo at pagkatapos ay isama ang mga gulay.
  6. Timplahan ayon sa panlasa at palambutin ang mga gulay.

Para sa miso

[baguhin]
  1. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mainit na mantika.
  2. Ilagay ang miso at lutuin ng 3 minuto.
  3. Ihain kasama ang pesa.