Pagluluto:Peppered Steak with Mushroom Sauce

Mula Wikibooks

Sangkap[baguhin]

1 kilo lomo ng baka, hiniwang pang-steak
½ kutsarita asin
2 kutsara tinadtad na bawang
½ kutsarita paprika
6 kutsara dinurog na pamintang buo
¼ tasa mantika
6 kutsara mantikilya
½ tasa hiniwang sibuyas
½ tasa hiniwang mushrooms
6 jigger red wine
½ tasa thyme
3 tasa brown sauce

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Timplahan ng asin ang baka.
  2. Pahiran ng bawang at paprika.
  3. Ilagay ang pamintang durog sa isang pinggan.
  4. Ipagulong dito ang mga hiniwang karne.
  5. Magpainit ng kaunting mantika sa kawali at iluto dito ang steak ayon sa nais na pagkaluto.
  6. Maari ring ihawin ang steaks sa baga.
  7. Painitin ang mantikilya sa kawali at igisa ang sibuyas at mushrooms.
  8. Sangkutsahin.
  9. Isama ang red wine at thyme.
  10. Pakuluin ng 2 minuto bago isama ang brown sauce.
  11. Lutuin pa ng ilang minuto bago ibuhos sa ibabaw ng nalutong steaks.