Pagluluto:Pechay Guisado
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | pechay tagalog |
2 | kutsara | mantika |
3 | butil | bawang, tinadtad |
1 | piraso | maliit na sibuyas, tinadtad |
1 ½ | kutsarita | luya, tinadtad |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
½ | kutsarita | patis pantimpla |
½ | tasa | tubig o sabaw (ng baboy) |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Paghiwalayin ang tangkay at dahon ng pechay.
- Hugasan at patuluin.
- Putulin ng 1" ang haba.
- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at luya.
- Idagdag ang tangkay ng pechay. Igisa ng 2 minuto.
- Isama ang mga dahon.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Ibuhos ang tubig.
- Pakuluan at lutuin hanggang lumambot ang gulay.