Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Pecan Pie

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]

Crust

[baguhin]
1 ½ tasa arina
1 kutsarita asin
tasa shortening
¼ tasa malamig na tubig
1 puti ng itlog, bahagyang binati

Pecan Filling

[baguhin]
¼ tasa mantikilya
¾ tasa brown sugar
4 piraso itlog
½ tasa corn syrup
1 kutsarita vanilla
1 ½ tasa pecan

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Painitin ang oven sa 400°F.
  2. Maghanda ng isang 9-inch pie plate.
  3. Sa mangkok, paghaluin ang arina at asin.
  4. Ihalo ang shortening hanggang maging butil-butil ang arina.
  5. Magdagdag ng sapat na tubig para mabuo ang masa.
  6. Padaanan ng rolling pin ang masa para numipis.
  7. Panipisin sa hugis at laki ng pie plate.
  8. Iayos sa pie plate.
  9. Tusuk-tusukin ng tinidor ang masa.
  10. Isalang sa oven ng 10-15 minuto.
  11. Ilabas at pahiran ng binating puti ng itlog.
  12. Itabi pansamantala.
  13. Sa hiwalay na mangkok, batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
  14. Ihalo ang asukal.
  15. Isa-isang isama ang itlog at batihing maigi.
  16. Idagdag ang corn syrup at vanilla.
  17. Ibuhos sa nalutong crust.
  18. Iayos ang mga pecan sa ibabaw.
  19. Takpan ng aluminum foil ang mga gilid ng crust para hindi matusta.
  20. Lutuin sa oven ng 30-40 minuto o hanggang wala ng dumidikit sa toothpick na tinusok sa gitna nito.
  21. Alisin ang aluminum foil at papulahin ang crust.
  22. Palamigin bago hiwain.