Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Paupiette of Beef

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 ½ kilo karne ng baka, hiniwang manipis sa 20 piraso
½ tasa mustard
5 piraso dill pickles, inapat ng pahaba
20 piraso carrots na hiniwang pahaba
5 piraso nilagang itlog, inapat ng pahaba
1 tasa mantika
1 kutsara mantikilya
1 tasa tinadtad na sibuyas
1 tasa tinadtad na carrots
1 tasa tinadtad na celery
1 tasa tinadtad na leeks
¼ tasa tomato paste
½ tasa red wine
4 tasa brown sauce
4 tasa brown stock
1 dahon laurel
1 kutsara pamintang buo, dinurog
1 kutsara thyme

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Pukpukin ng mallet ang hawat hiwa ng karne hanggang numipis at lumapad.
  2. Timplahan ng asin at paminta.
  3. Pahiran ng mustard.
  4. Sa bawat piraso ng karne, maglagay ng tig-iisang hiwa ng pickles, carrots at itlog.
  5. Bilutin at isara ng toothpick.
  6. Sa kawali, painitin ang mantika at mantikilya.
  7. Papulahin ang binilot na karne.
  8. Alisin at isantabi sa isang pinggan.
  9. Sa natirang mantika, igisa ang sibuyas, carrots, celery at leeks.
  10. Isama ang tomato paste.
  11. Sangkutsahin.
  12. Ibuhos ang red wine, brown sauce at brown stock.
  13. Idagdag ang laurel, paminta at thyme.
  14. Timplahan ng asin.
  15. Pakuluin minsan at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
  16. Ilagay ang pinapulang karne.
  17. Takpan at isalang hanggang lumambot ng husto ang karne.
  18. Tanggalin ang mga toothpick bago ihain.