Pagluluto:Patola na may Miswa
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | piraso | patola, binalatan at hiniwang pahilis na ¼" ang kapal. |
1 | tasa | hipon, binalatan |
1 | kutsara | mantika |
2 | butil | bawang, tinadtad |
1 | piraso | maliit na sibuyas, tinadtad |
1 | tasa | katas ng hipon |
1 | pakete | miswa |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Dikdikin ang ulo ng hipon para makuha ang katas nito. Salain.
- Magpainit ng mantika sa kawali at igisa ang bawang at sibuyas.
- Idagdag ang hipon at papulahin.
- Isama ang hiniwang patola at ang katas ng hipon.
- mag lagay ng isang tasang tubig
- Palambutin ang patola.
- Isama ang asin at paminta at timplahan ayon sa panlasa.
- Isama ang miswa.
- Patayin ang apoy kung malambot na ang miswa.