Pagluluto:Pata Tim
Sangkap
[baguhin]1 ½ | kilo | pata ng baboy |
2 | kutsara | toyo |
1 | tasa | mantikang pamprito |
2 | butil | bawang, tinadtad |
50 | gramo | tuyong pusit, binabad sa tubig at hiniwa |
2 | kutsara | oyster sauce |
1 | kutsara | rice wine |
1 | kutsara | patis |
2 | kutsara | cornstarch |
1 | tasa | tubig |
½ | kutsarita | sesame oil |
1 | kutsara | toyo |
1 | piraso | letsugas o petsay baguio, hiniwa |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa kaserola, pakuluan at palambutin ang pata sa tamang dami ng tubig.
- Hanguin at itabi ang pinaglagaan.
- Pahiran ng toyo ang pata at iprito sa mainit na mantika hanggang pumula.
- Sa kaserola, magpakulo ng tubig at ihulog ang pata para matanggal ang mantika.
- Hanguin at tanggalin sa buto.
- Ilagay ang laman sa isang baking dish o pinggan.
- Magpainit ng mantika.
- Igisa ang bawang at pusit.
- Ipaibabaw sa pata.
- Paghaluin ang oyster sauce, rice wine, patis, cornstarch na tinunaw sa tubig, sesame oil at toyo.
- Ibuhos sa pata.
- Pasingawan nang isang oras o hanggang maluto.
- Igisa ang letsugas o petsay sa kaunting mantika.
- Iayos sa isang bandehado.
- Paibabawan ng nalutong pata tim.