Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Pastel na Manok

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 buo manok, hiniwang katamtaman ang laki
3 kutsara toyo
1 piraso limon, kinatasan
3 tasa tubig
1 ½ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
½ tasa mantikilya
2 piraso chorizo bilbao, hiniwa
1 lata vienna sausage, hiniwa
1 tasa sabaw ng manok
½ tasa green olives
1 piraso carrot, hiniwang pakuwadrado
3 piraso patatas, hiniwang pakuwadrado
½ tasa button mushrooms
2 kutsara arina, tinunaw sa 1 tasa tubig
2 piraso nilagang itlog, hiniwang pahaba

Pastry

[baguhin]
½ tasa arina
1 kutsarita asin
tasa shortening
¼ tasa malamig na tubig
eggwash

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Ibabad ang manok sa toyo at katas ng lemon.
  2. Itabi ng 15 minuto.
  3. Ilagay ang manok sa kaserola kasama ng tubig, asin at paminta.
  4. Palambutin.
  5. Sa kawali, painitin ang mantikilya at papulahin ang manok.
  6. Isama ang chorizo at sausage.
  7. Ibuhos ang sabaw at hayaang kumulo.
  8. Idagdag ang olives, carrot, patatas at mushroom.
  9. Paglambot ay palaputin ang sabaw ng tinunaw na arina.
  10. Isalin sa baking dish at paibabawan ng nilagang itlog.
  11. Painitin ang oven sa 400°F.
  12. Sa mangkok, paghaluin ang arina at asin.
  13. Isama ang shortening.
  14. Magdagdag ng sapat na tubig para sa masa.
  15. Padaanan ang masa ng rolling pin hanggang numipis.
  16. Itakip sa baking dish na may lamang manok.
  17. Putulin sa tamang laki.
  18. Pindutin ang masa sa mga gilid para kumapit at sumara.
  19. Pahiran ng eggwash at hurnuhin hanggang pumula ang crust.