Pagluluto:Pastel de Lengua
Itsura
Sangkap
[baguhin]Pastry
[baguhin]2 ½ | tasa | arina |
¾ | tasa | mantikilya |
8 | kutsara | cream |
eggwash |
Palaman
[baguhin]¼ | tasa | olive oil |
1 | piraso | malaking sibuyas, tinadtad |
2 | piraso | katamtamang laki na carrot, hiniwang pakuwadrado |
4 | piraso | katamtamang laki na patatas, hiniwang pakuwadrado |
½ | tasa | button mushrooms |
2 | kilo | nilagang dila ng baka, hiniwang pakuwadrado |
2 | piraso | chorizo bilbao, hiniwa |
2 | tasa | pinaglagaan ng dila |
2 | kutsara | arina na tinunaw sa 1 tasa tubig |
½ | tasa | ginadgad na keso |
½ | tasa | green olives |
1 | lata | vienna sausage, hiniwa |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ilagay ang arina sa mangkok at ihalo ang mantikilya.
- Magdagdag ng sapat na cream para makabuo ng masa.
- Ibalot sa plastik at itabi pansamantala sa repridyerator.
- Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang sibuyas.
- Idagdag ang carrot, patatas, mushroom, dila at chorizo.
- Ibuhos ang sabaw at pakuluan.
- Palambutin ng husto.
- Palaputin ang sabaw ng tinunaw na arina.
- Isama ang keso, olives at sausage.
- Isalin sa baking dish.
- Kunin ang pastry o masa sa repridyerator.
- Panipisin ng rolling pin sa hugis at laki ng ibabaw ng baking dish.
- Itakip sa baking dish at pindutin sa gilid para kumapit at sumara.
- Pahiran ng eggwash.
- Tusukin ng tinidor ang ibabaw at pagkatapos ay ihurno sa 375°F nang 20 minuto o hanggang pumula ang crust.
Para sa paglaga ng dila
[baguhin]- Banlian ang dila sa kumukulong tubig nang 10-15 minuto.
- Balatan.
- Pakuluan sa sapat na tubig.
- Itapon ang pinagkuluan at palitan ang tubig.
- Isalang muli ang dila kasama ng sibuyas, asin, pamintang buo at laurel.
- Lutuin hanggang lumambot.
- Palamigin at hiwaing pakuwadrado.
- Salain ang sabaw bago gamitin.