Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Papaitan

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
½ kilo lamang-loob ng baka (tripa, atay, bato, puso, lapay, bituka)
¼ kilo lomo ng baka (hiwa sa ½" cubes)
¼ tasa apdo
1 piraso sibuyas (tinadtad)
1 ulo bawang (tinadtad)
1 piraso luya (tinadtad)
1 pakete sinigang mix
¼ tasa dahon ng sibuyas
2 piraso siling labuyo
3 kutsara asin
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
1 kutsara patis

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Hugasan at lamasin ang hilaw na lamang-loob sa dahon ng saging na may 3 kutsarang asin para maalis ang amoy.
  2. Siguraduhing malinis na malinis ang bituka.
  3. Kapag malinis na, pakuluan sa isang malaking kawali hanggang malambot. Iahon at hiwain sa 1/2" na cubes o haba. Itabi.
  4. Igisa ang luya, bawang, at sibuyas.
  5. Kapag naluto ang sibuyas, ihalo ang lamang-loob.
  6. Budburan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
  7. Ihalo at pagkatapos ay ibuhos ng sapat na tubig upang masakop ang timpla.
  8. Pakuluan at pagkatapos ay isama ang mga lomo ng baka.
  9. Pakuluan hanggang daluyang maluto ang lomo.
  10. Ihulog ang siling labuyo.
  11. Idagdag ang mga apdo ng pahinay-hinay (maging maingat para hindi masyadong mapait ang lasa)
  12. Lagyan ng patis ayon sa panlasa.
  13. Ihain sa isang mainit na mangkok at palamuti ng tinadtad na dahon ng sibuyas. Huwag ihain ng malamig.