Pagluluto:Pansit Sotanghon
Sangkap
[baguhin]⅓ | tasa | mantika |
2 | kutsarita | tinadtad na bawang |
1 | piraso | sibuyas, tinadtad |
2 | piraso | pitso ng manok, nilaga at hinimay |
¼ | kilo | hipon, binalatan |
1 | kutsarita | patis |
¼ | kutsarita | paminta |
2 | piraso | carrot, hiniwang julienne |
1 | piraso | maliit na ulo ng repolyo, ginayat |
1 | tasa | sitsaro |
½ | tasa | tengang daga, binabad sa tubig hanggang lumambot |
6 | tasa | sabaw ng manok |
½ | kilo | sotanghon, binabad sa tubig nang 10 minuto hanggang lumambot |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas na mura |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantika sa kawali.
- Igisa ang bawang, sibuyas, manok at hipon.
- Sangkutsahin at timplahan.
- Idagdag ang mga gulay, tengang daga at sabaw.
- Pakuluin at isama ang sotanghon.
- Lutuin hanggang matuyo at maluto aug sotanghon.
- Paibabawan ng sibuyas na mura.