Pagluluto:Pansit Palabok
Itsura

Sangkap
[baguhin]Pansit
[baguhin]| 8 | tasa | tubig |
| 1 | tasa | toge |
| ½ | kilo | bihon, binabad sandali sa tubig |
Sarsa
[baguhin]| 2 | Bahaha | mantika |
| 2 | kutsara | atsuete |
| 2 | tasa | katas ng hipon |
| 6 | kutsara | arina |
| ½ | tasa | tubig |
| 1 | kutsarita | asin |
| 1 | kutsarita | paminta pantimpla |
Palabok
[baguhin]| 1 | tasa | nilagang karne ng baboy, hiniwang pahaba |
| 2 | piraso | tokwa, pinirito at hiniwang pakuwadrado |
| ½ | tasa | hinimay na tinapa |
| ½ | tasa | dinurog na sitsaron |
| 2 | piraso | itlog, nilaga at hiniwa |
| ½ | tasa | hipon, nilaga at binalatan |
| ½ | tasa | tinadtad na sibuyas na mura |
| 1 | kutsara | prinitong bawang |
| 8 | piraso | kalamansi |
Paraan ng pagluto
[baguhin]Pansit
[baguhin]- Mapakulo ng tubig sa kaserola.
- Ilagay ang toge sa salaan at ipatong ang bihon.
- Ilubog sa kumukulong tubig at hayaang lumambot.
- Patuluin.
- Isalin sa bandehado.
Sarsa
[baguhin]- Sa isang kaserola, ipainit ang mantika kasama ng atsuete.
- Lutuin hanggang pumutok ang mga buto at magkulay pula ang mantika.
- Ibuhos ang katas ng hipon at pakuluin.
- Itunaw ang arina sa tubig.
- Ibuhos ang tinunaw na arina.
- Hayaang kumulo at lumapot.
- Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
Paghahanda
[baguhin]- Ibuhos ang sarsa sa ibabaw ng pansit.
- Ilagay ang mga karne at tokwa sa ibabaw ng pansit.
- Budburan ng tinapa at sitsaron.
- Adornohan ang sibuyas na mura at bawang.
- Ihaing may kasamang kalamansi.