Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Pansit Molo

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]

Palaman

[baguhin]
¼ kilo giniling na karne ng baboy
¼ kilo hipon, tinadtad
1 piraso maliit na singkamas, tinadtad na pino
1 piraso maliit na carrots, tinadtad na pino
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
1 piraso itlog
1 pakete molo wrapper

Sabaw

[baguhin]
2 kutsara mantika
3 butil bawang, tinadtad
1 piraso maliit na sibuyas, tinadtad
1 hiwa pitso ng manok, nilaga at hinimay
3 hiwa hamon, tinadtad
½ tasa binalatang hipon
6 tasa sabaw ng manok
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
½ tasa tinadtad na sibuyas na mura
½ tasa piniritong bawang

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Paghaluin ang mga sangkap ng palaman maliban sa pambalot.
  2. Maglagay ng kaunting palaman sa molo wrapper.
  3. Bilutin at pagsalubungin ang dalawang dulo para sumara.
  4. Itabi pansamantala.
  5. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  6. Isama ang manok, hamon at hipon.
  7. Ibuhos ang sabaw.
  8. Pakuluin at saka ihulog ang mga molo.
  9. Timplahan ayon sa panlasa.
  10. Pakuluin muli.
  11. Paghain ay budburan ng sibuyas na mura at piniritong bawang.