Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Pansit Malabon

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]

Sarsa

[baguhin]
3 kutsara oil
1 kutsara tinadtad na bawang
3 tasa katas ng hipon
6 kutsara harina
½ tasa tubig
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Pansit

[baguhin]
½ kilo bihong sariwa, binabad sa tubig nang 10 minuto
½ tasa hiniwang petsay baguio
½ tasa toge
½ tasa hiniwang kintsay
½ tasa hinimay na tinapa
½ tasa dinurog na sitsaron
1 tasa halabos na hipon, binalatan
1 tasa lutong talaba
1 tasa nilagang karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado
¼ kilo pusit, inadobo
2 kutsara piniritong bawang
¼ tasa tinadtad na sibuyas na mura
2 piraso nilagang itlog, hiniwang pahaba
6 piraso kalamansi

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Sa isang kaserola, painitin ang atsuete oil at igisa ang bawang.
  2. Ibuhos ang katas ng hipon.
  3. Pakuluin.
  4. Palaputin ng tinunaw na arina.
  5. Timplahan ayon sa panlasa.
  6. Magpakulo ng tubig sa malaking kaserola.
  7. Maglagay ng bihon, petsay, toge at kintsay sa luglugan.
  8. Ilubog sa kumukulong tubig hanggang maluto.
  9. Patuluin at isalin sa mangkok.
  10. Ihalo ang sarsa, tinapa at sitsaron.
  11. Ilipat sa bandehado at iayos sa ibabaw ang hipon, talaba, karne ng baboy, pusit, bawang, sibuyas na mura at itlog.
  12. Ihaing may kasamang kalamansi.