Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Pansit Luglug

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
½ kilo sariwang bihon
2 bloke tokwa, ginayat na pahaba at pinirito
2 tasa repolyo, ginayat na pino
1 tasa ginayat-gayat na cauliflower
1 tasa ginayat na pahabang bitsuwelas (o kaya ay sitsaro)
4 tasa tinadtad na kintsay
¼ tasa tinadtad na berdeng sibuyas
¼ tasa dinikdik na bawang
¼ tasa mantika
½ tasa ginayat na sibuyas
1 piraso itlog na binati
¼ tasa tubig na may atsuwete
2 kutsara toyo
3 tasa tubig
¼ tasa gawgaw, tinunaw sa kaunting tubig
½ kutsarita asin
¼ tasa giniling na mani
½ tasa carrot, ginayat

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Igisa ang sibuyas sa kaunting mantika.
  2. Idagdag ang tokwa, repolyo, cauliflower, bitsuwelas (o sitsaro), at carrot.
  3. Lagyan ng asin na pampalasa.
  4. Lutuin hanggang sa lumambot ang mga gulay subali't huwag lalabugin.
  5. Alisin sa apoy at ihalo ang kintsay. Itabi muna.
  6. Ilubog ang sariwang bihon sa kumukulong tubig.
  7. Patuluin at ilagay sa isang lalagyan. Ingatang mainit.
  8. Magpainit ng mantika.
  9. Prituhin ang bawang hanggang sa pumula.
  10. Hanguin ang bawang sa mantika, at magtira lamang ng kaunting mantika sa kawali.
  11. Ilagay ang tubig na may atsuwete, tubig, toyo, at hayaang kumukulo.
  12. Lagyan ng asin upang magkalasa.
  13. Tunawin ang gawgaw sa kaunting tubig at batihin sa kumukulong niluluto.
  14. Lutuin ng may 5 minuto.
  15. Haluin samantalang idinadagdag ang binating itlog.
  16. Ilagay ang bihon sa pinggan, lagyan ng sarsa, at saka ilagay sa ibabaw nito ang nilutong gulay.
  17. Budburan sa ibabaw ng maning giniling at ng piniritong bawang at tinadtad na sariwang sibuyas.
  18. Ihain na may hiniwang kalamansi.