Pagluluto:Pansit Luglog
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | bihon, sandaling binabad sa tubig para lumambot |
Luglog Sauce
[baguhin]¼ | tasa | atsuete, binabad sa |
¼ | tasa | tubig |
2 | tasa | katas ng hipon |
6 | kutsara | arina |
½ | tasa | tubig |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
Pang-ibabaw
[baguhin]1 | tasa | nilagang karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado |
2 | piraso | piniritong tokwa, hiniwang pakuwadrado |
½ | tasa | hinimay na tinapa |
½ | tasa | dinurog na sitsaron |
2 | piraso | nilagang itlog, hiniwang pahaba |
½ | tasa | nilaga at binalatang hipon |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas na mura |
1 | kutsara | piniritong bawang |
Paraan ng pagluto
[baguhin]Paghanda ng Luglog Sauce
[baguhin]- Salain mga binabad na atsuete.
- Sa isang kaserola, pagsamahin ang tubig na may atsuete at katas ng hipon.
- Tunawin ang arina sa tubig.
- Idagdag sa lutuan.
- Pakuluin hanggang lumapot.
- Timplahan ayon sa panlasa.
Paghahanda ng bihon
[baguhin]- Magpakulo ng tubig sa kaserola.
- Ilagay ang bihon sa luglugan.
- Ilubog sa kumukulong tubig hanggang maluto.
- Patuluin at iayos sa bandehado.
Paghahanda ng Pang-ibabaw
[baguhin]- Paibabawan ang bihon ng luglog sauce, karne ng baboy at tokwa.
- Budburan ng tinapa at sitsaron.
- Palamutian ng hiniwang nilagang itlog, hipon, sibuyas na mura at bawang.
- Ihaing may kasamang kalamansi.