Pagluluto:Pansit Guisado
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | bihon, binabad sa tubig |
2 | tasa | chorizo de bilbao, prinito at hiniwa-hiwa |
¼ | tasa | baboy, hiniwa-hiwa at pinakuluan |
⅓ | tasa | hipon, hiniwa nang manipis |
½ | tasa | repolyo, ginayat |
¼ | tasa | baguio beans, hiniwa-hiwa |
½ | tasa | katas ng hipon |
3 | buo | nilagang itlog, hiniwa-hiwa |
½ | tasa | dahon ng sibuyas, tinadtad |
2 | ulo | bawang, pinitpit |
1 | buo | sibuyas, hiniwa-hiwa |
2 | kutsara | paminta |
½ | tasa | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Maari ring guamit ng tokwa dahil mahal ang karne... iprito ang tokwa hanngang maging golden brown.
- Igisa ang bawang, sibuyas, kame, hipon at chorizo de bilbao sa isang kawali.
- Idagdag ang mga gulay at pakuluan sa sabaw ng baboy at katas ng hipon.
- Kapag kumulo na, timplahan ng toyo at paminta.
- Idagdag ang pansit at lutuin hanggang matuyuan.
- Palamutian ng dahon ng sibuyas, hiniwang itlog, at kalamansi.