Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Pansit Canton

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
¼ kilo hipon, binalatan pero iniwan ang buntot
1 buong puti ng itlog
2 kutsara cornstarch
1 piraso pitso ng manok, tinanggalan ng buto at hiniwang pahaba
3 kutsara mantika
3 butil bawang, dinikdik
1 piraso sibuyas, tinadtad
2 piraso atay ng manok, niluto at hiniwa
1 kutsara patis
1 kutsarita asin
1 kutsarita paminta
1 tasa toyo
1 ½ tasa sabaw ng manok
1 ulo cauliflower, pinira-piraso
¼ tasa sitsaro
tasa kutsay
1 piraso karot, hiniwang pabilog
2 kutsara cornstarch
¼ tasa tubig
1 balot canton noodles

Pagluluto ng Pansit Canton

[baguhin]
  1. Batihin ang puti ng itlog at cornstarch.
  2. Ipagulong ng magkahiwalay ang hipon at manok. Itabi.
  3. Tunawin ang cornstarch sa ¼ tasa ng tubig. Itabi.
  4. Sa isang kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  5. Idagdag ang manok, hipon at atay.
  6. Pakuluin.
  7. Timplahan ang patis, asin, paminta at toyo ayon sa panlasa.
  8. Hayaang pumula.
  9. Ibuhos ang mga gulay at hayaang lumambot ng bahagya.
  10. Palaputin ng tinunaw na cornstarch kung kinakailangan.
  11. Isama ang canton.
  12. Lutuin hanggang lumambot.