Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Pansit Bihon

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]
3 kutsara mantika
1 kutsarita tinadtad na bawang
1 piraso sibuyas, tinadtad
½ kilo manok, nilaga at hinimay
¼ kilo hipon, binalatan na
1 tasa toyo
¼ kutsarita paminta
1 piraso carrot, hiniwa
1 tasa ginayat na repolyo
½ tasa hiniwang bitsuelas
2 tasa sabaw ng manok
½ kilo bihon, binabad sa tubig

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas, manok at hipon.
  2. Timplahan.
  3. Idagdag ang mga gulay.
  4. Sangkutsahin.
  5. Ibuhos ang sabaw.
  6. Pagkulo, ilagay ang bihon.
  7. Lutuin hanggang matuyo.
  8. Ihaing may kasamang patis at kalamansi.