Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Pandan Cake

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]

Chocolate Pinipig Crunch

[baguhin]
50 gramo milk chocolate
1 kutsarita mantikilya
1 tasa tinustang pinipig

Pandan Water

[baguhin]
4 dahon pandan
2 tasa tubig

Cake

[baguhin]
1 ¼ tasa cake flour/harina
1 ½ kutsarita baking powder
½ kutsarita asin
6 kutsara asukal
¼ tasa mantika
4 piraso itlog (hiniwalay ang pula sa puti)
6 kutsara pandan water (haluan ng kaunting berdeng food color ayon sa nais)
¼ kutsarita cream of tartar
6 kutsara asukal

Buttercream Filling

[baguhin]
1 tasa asukal
1 tasa whipping cream
2 kutsara berdeng food color
1 tasa pandan water
1 tasa mantikilya

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Tunawin ang chocolate at mantikilya.
  2. Ihalo ang pinipig at itabi.
  3. Sa kaserola, pakuluan ang pandan at tubig hanggang bumango.
  4. Palamigin.
  5. Painitin ang oven sa 350°F.
  6. Maghanda ng dalawang 9-inch na bilog na pan.
  7. Sa mangkok, salaing magkasama ang cake flour/harina, baking powder, asin at asukal.
  8. Ihalo ang mantika, pula ng itlog at pandan water.
  9. Haluin hanggang pino.
  10. Batihin ang puti ng itlog at cream of tartar hanggang soft peaks stage.
  11. Idagdag ang asukal at batihin hanggang stiff peaks stage.
  12. Masinsing ihalo ang binating pula ng itlog.
  13. Ibuhos sa dalawang pan at isalang sa oven nang 30 minuto o hanggang maluto.
  14. Baligtarin sa wire rack at palamigin.
  15. Tanggalin sa pans.

Paghahanda ang icing

[baguhin]
  1. Paghaluin ang asukal, cream, food color at pandan water.
  2. Palamigin.
  3. Sa mixer, batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
  4. Dahan-dahang ibuhos ang pinalamig na mga sangkap.
  5. Batihin hanggang pino.

Pagsasaayos ng cake

[baguhin]
  1. Ilagay ang isang cake sa pinggan o tray.
  2. Lagyan ng kaunting icing ang ibabaw.
  3. Paibabawan ng pinipig crunch.
  4. Ipatong ang isa pang cake.
  5. Takpan ng icing ang gilid at ibabaw ng cake.
  6. Palamutian ng pinipig crunch.
  7. Palamigin bago ihain.