Pagluluto:Pan-Fried Fish Fillet Picasso
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 10 | piraso | fish fillet |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | pamintang puti |
| ¼ | tasa | katas ng lemon |
| ½ | tasa | arina |
| ¼ | tasa | clarified butter |
| ½ | tasa | mantikilya, pinalambot |
| ½ | tasa | hiniwang sibuyas |
| ½ | tasa | hiniwang Julienne na siling pula |
| ½ | tasa | hiniwang Julienne na siling berde |
| 3 | piraso | hinog na saging, hiniwa |
| 1 | piraso | maliit na mansanas, hinwang pakuwadrado |
| ⅓ | tasa | pasas |
| ¼ | tasa | tinustang almond flakes |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Timplahan ang isda ng asin, paminta at katas ng lemon.
- Itabi ng ilang minuto.
- Tuyuin at pabalutan ng arina.
- Painitin ang clarified butter at prituhin ang isda hanggang maluto.
- Sa hiwalay na kawali, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
- Isama ang mga sili, saging, mansanas, pinya at pasas.
- Lutuin ng ilang minuto.
- Iayos ang isda sa pinggan.
- Ikalat ang ginisang prutas sa ibabaw nito.
- Paibabawan ng almond flakes.