Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Palitaw na malagkit

Mula Wikibooks
Palitaw

Mga Sangkap

[baguhin]
  • ½ malagkit
  • 1 tasang asukal
  • ½ tasang sesame seeds
  • 1 niyog (kinayod)
  • 3 tasa ng tubig

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Ibabad magdamag ang malagkit at ipagiling.
  2. Bilugin ng tig-isang pulgada bawat isa . Gamit ang palad, bumuo ng bilog na may habang dalawang pulgada na may kapal na 1/3 pulgada bawat isa.
  3. Lagain ang mga ito hangang sa lumitaw. Pag lumitaw na ang malagkit, luto na ito. Paghango sa tubig,ibabad muna sa may yelong tubig ng ilang minuto bago patuyuin at ilagay sa niyog, ikutin ng niyog ang bawat bahagi nito.
  4. Itusta ang sesame seeds hanggang sa maging kulay kape. Pag nagsimula na itong bumango, hanguin na at dikdikin ng pino.
  5. Ihalo ang sesame seeds sa isang tasang asukal.
  6. Iayos ang mga palitaw na may niyog sa isang pinggan o serving tray.
  7. Budburan ng pinaghalong asukal at tustadong sesame seeds.
  8. Ihain.