Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Paksiw na Isda

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 piraso katamtamang laki ng bangus o apahap
1 kutsara asin
1 piraso katamtamang laki ng ampalaya, inapat
1 piraso talong, inapat
1 piraso maliit na luya, dinikdik
3 piraso siling labuyo
1 tasa suka
¾ tasa tubig
1 kutsarita patis pantimpla

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Linisin ang isda. Tanggalin ang kaliskis kung nais. Hiwain sa 3-4 piraso at asinan.
  2. Ilagay ang isda sa kaserola.
  3. Ipatong dito ang mga gulay, luya at sili.
  4. Ibuhos ang suka.
  5. Pakuluin nang hindi hinahalo.
  6. Idagag ang tubig at hayaang kumulo.
  7. Timplahan ng patis ayon sa panlasa.