Pagluluto:Paella
Itsura
Sangkap
[baguhin]20 | piraso | tahong, binanlian |
20 | piraso | halaan, binanlian |
2 | piraso | alimasag, nilaga, at hinati sa dalawa |
300 | gramo | hipon, nilaga at binalatan (mag-iwan ng 5 piraso na hindi binalatan) |
¼ | tasa | mantika |
½ | kilo | manok, hiniwa at bahagyang niluto |
¼ | kilo | karne ng baboy, hiniwang katamtaman ang laki at bahagyang niluto |
4 | butil | bawang, dinikdik |
1 | piraso | katamtamang laki na sibuyas, tinadtad na pino |
1 | tasa | tomato sauce |
1 | tasa | siling pula (red bell pepper), hiniwang 2" ang pahaba |
1 ½ | tasa | bigas, hinugasan |
2 | tasa | sabaw ng manok |
10 | piraso | abitsuelas, hiniwang 2" ang haba |
1 | kutsarita | asin |
1 | kutsarita | paminta |
½ | tasa | gisantes (gren peas) |
1 | tasa | mantika |
2 | piraso | itlog, nilaga at hiniwa |
1 | piraso | siling berde (green bell pepper), hiniwa |
1 | tali | parsley |
1 | piraso | lemon, hiniwa sa dalawa |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa malaking kawali, painitin ang mantika.
- Papulahin ang manok at karne ng baboy.
- Itabi sa isang gilid at igisa ang bawang at sibuyas.
- Ibuhos ang tomato sauce at siling pula.
- Haluin at hayaang maluto.
- Isama ang bigas at sabaw.
- Takpan at lutuin ang bigas sa mahinang apoy.
- Ipatong ang abitsuelas, halaan at tahong.
- Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
- Takpan at hayaang matuyuan ang kanin.
- Idagdag ang alimasag, hipon at gisantes.
- Magdagdag ng kaunting mantika.
- Isalin sa bandehado at adornohan ng hiniwang itlog, sili, parsley, at hipon (5 piraso).
- Pigain ang lemon sa ibabaw.