Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Ox Tongue Fricassee

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
8 tasa tubig
¾ kilo dila (binanlian at tinanggalan ng balat)
½ tasa tinadlad na sibuyas
½ tasa tinadtad na carrots
½ tasa tinadlad na celery
¼ tasa tinadlad na leeks
1 dahon laurel
½ kutsara pamintang buo, dinurog
½ kutsara asin
¼ tasa white wine
¼ tasa white roux
¾ tasa sibuyas Tagalog
½ tasa button mushrooms, inapat
½ tasa cream

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Pakuluin ang tubig at idagdag ang dila, sibuyas, carrots, celery, leeks, laurel, paminta at asin.
  2. Hinaan ang apoy at isalang ng 2-3 oras o hanggang lumambot ang dila.
  3. Alisin ang nabubuong scum sa ibabaw ng sabaw.
  4. Ahunin ang pinalambot na dila at salain ang sabaw.
  5. Isama ang white wine sa sabaw.
  6. Pakuluin at pagkatapos ay palaputin ng white roux.
  7. Hiwain ang dila ng pakuwadrado at isama sa sarsa.
  8. Isama rin ang sibuyas tagalog at mushrooms.
  9. Timplahan.
  10. Ihalo ang cream at lutuin pa ng 5 minuto. #Paibabawan ng parsley.
  11. Sa pagluto ng dila, ibabad ang dila sa malamig na tubig magdamag.
  12. Hanguin at tuyuin.
  13. Ilagay sa kaserolang may malamig na tubig.
  14. Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuin pa ng 2 ½ hanggang 3 oras o hanggang lumambot.