Pagluluto:Omelet
Itsura
Sangkap
[baguhin]⅓ | tasa | mantika |
2 | butil | bawang, tinadtad |
1 | tasa | ginayat na sibuyas |
8 | piraso | bacon, hiniwa |
8 | piraso | kamatis (banlian, balatan at hiwain) |
2 | piraso | green bell pepper (ihawin, balatan at hiwain pahaba) |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
⅓ | tasa | mantikilya |
8 | piraso | itlog, binati |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantika sa kawali. Igisa ang bawang, sibuyas, bacon, kamatis at sili.
- Timplahan at lutuin hanggang lumambot.
- Alisin sa kawali at isalin sa lalagyan.
- Painitin uli ang kawali at tunawin ang mantikilya.
- Hayaang uminit at pagkatapos ay ibuhos ang kalahato ng binating itlog.
- Hintayin itong mabuo at isalin sa pinggan.
- Ipaibabaw ang kalahati ng mainit na ginisang gulay.
- Ulitin ang ganitong paraan sa nalalabing itlog at gulay.