Pagluluto:Nirelyenong Dila ng Baka
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | piraso | dila ng baka |
1 | ulo | bawang |
1 | kutsarita | paminta |
1 | kutsarita | asin |
½ | tasa | sausage |
½ | tasa | giniling na hamon |
½ | tasa | Chorizo de Bilbao |
¼ | kilo | giniling na baboy |
3 | buo | itlog |
1 | tasa | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Linising mabuti ang dila.
- Pakuluin sa tubig na may asin.
- Kayasin ang panlabas na balat para matanggal ang parang maputi-puting balat na nakakapit sa dila.
- Dahan-dahan lamang ang pag-alis para hindi sumama ang laman nito.
- Kung malinis, banlawan ng sandali upang maging malinis na malinis na.
- Hiwain ng manipis at pahaba. Huwag puputulin ang dila.
- Lagyan ng panlaman (iba pang sangkap).
- Taliin.
- Iprito sa mantika ang may lamang dila hanggang sa pumula ang itsura nito.
- Pagkatapos pakuluan sa tatlong tasang tubig na may kasamang sibuyas, alak, asin at dahong laurel.
- Ipagpatuloy ang pagpapakulo hanggang sa maluto ito.
- Pagkaluto ilagay sa isang bandehado.
- Gayakan ng isang gilit na kintsay.