Pagluluto:Mustasang may kahalong Itlog
Itsura
Sangkap
[baguhin]5 | punong | inasinan na mustasa at pinagputul-putol na tig-dalawang dali |
3 | piraso | itlog |
2 | piraso | kamatis na hinog na ginayat |
½ | piraso | sibuyas na ginayat |
2 | kutsara | mantika |
2 | butil | bawang |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Magpapabango ng bawang sa mantika at dito igigisa ang kamatis at ang sibuyas.
- Pagnagsarsa na ay ilalahok ang binating itlog at ang dahon ng mustasa.
- Titimplahan ng asin at hahaluin sa sarten o kawali hanggang sa maluto ang itlog.