Pagluluto:Murkong Manok
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | piraso | manok |
3 | piraso | nilagang itlog |
2 | butil | bawang |
1 | piraso | sibuyas na malaki |
5 | piraso | patatas |
3 | piraso | kamatis na hinog |
3 | kutsara | mantika |
1 | kutsara | asin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pagkatapos na maalisan ng buto ang manok at buuing muli upang mailagay ang lutong patatas na ginayat at ang itlog na ginayat sa loob ng manok.
- Ilagay ang manok sa isang dahon na malinis at lutuin sa tubig hanggang lumambot.
- Magprito ng bawang, kamatis at sibuyas at dito igisa ang murkong manok ngunit alisan muna ng balot.
- Hayaang pumula-pula sa mantika saka lagyan rin ng kaunting sabaw ng manok.