Pagluluto:Munggo Guisado
Sangkap
[baguhin]1 | tasa | berdeng munggo |
3 | tasa | tubig |
1 | kutsara | mantika |
2 | butil | bawang, dinikdik |
1 | piraso | sibuyas, tinadtad |
2 | piraso | kamatis, tinadtad |
1 ½ | kilo | karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado |
2 | tasa | tubig o sabaw ng baboy |
1 | kutsara | patis |
1 | kutsarita | asin pantimpla |
1 | tasa | dahon ng ampalaya |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pakuluan ang munggo sa 3 tasang tubig hanggang lumambot.
- Ligisin (pagpapalambot sa pamamagitan ng pagpirat o pagdurog) ang munggo.
- Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Isama ang karne ng baboy.
- Ibuhos ang tubig o sabaw ng baboy.
- Timplahan ng patis ayon sa panlasa,
- Lutuin hanggang lumapot.
- Bago alisin sa apoy ay idagdag ang dahon ng ampalaya.