Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Morisqueta Tostada

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
3 tasa malamig na kanin o bahaw
2 piraso chorizo de bilbao, hiniwa-hiwa
1 kutsara bawang, pinitpit
1 piraso katamtaman laking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 kutsara toyo
¼ tasa hamon, hiniwa-hiwa
2 kutsara hipon, binalatan at hiniwa-hiwa
1 buo binating itlog
2 kutsara dahon ng sibuyas, tinadtad

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Prituhin ang chorizo hanggang lumutong.
  2. Ilagay sa isang tabi.
  3. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kanin.
  4. Idagdag ang ibang sangkap at timplahan ng toyo ang kanin.
  5. Palamutian ng binating itlog at dahon ng sibuyas.