Pagluluto:Morcon
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | beef sirloin, hiniwang manipis at palapad |
| 2 | kutsara | katas ng kalamansi |
| ¼ | tasa | toyo |
| 4 | piraso | vienna sausage, hiniwang pahaba |
| 4 | buo | pickles, hiniwang pahaba |
| 2 | piraso | nilagang itlog, hiniwang pahaba |
| ½ | maliit na kahon | keso, hiniwang pahaba |
| 1 | piraso | maliit na carrot, hiniwang pahaba |
| 3 | hiwa | bacon |
| ½ | tasa | mantika |
| 2 | kutsara | arina |
| ¼ | tasa | mantika |
| 1 | kutsarita | tinadtad na bawang |
| 1 | tasa | hiniwang sibuyas |
| 1 | tasa | tomato sauce |
| 3 | piraso | beef bouillon cube, tinunaw sa |
| 3 | tasa | mainit na tubig |
| ¼ | kutsarita | asin |
| ¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Lamasin ang karne ng pinaghalong kalamansi at toyo.
- Ilatag sa tray at sa gitna ng karne, iayos ng pahaba ang sausage, pickles, itlog, keso, carrot at bacon.
- Igulong para sumara at talian ng pisi.
- Sa kawali, magpainit ng mantika.
- Igulong sa arina ang binilot na karne at papulahin sa mainit na mantika.
- Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
- Ibuhos ang tomato sauce at sabaw ng baka.
- Timplahan.
- Pakuluin at pagkatapos ay ilagay ang karne.
- Takpan at pakuluan hanggang lumambot ng husto.
- Palamigin at saka hiwaing pabilog na ½ - 1" ang kapal.