Pagluluto:Minestrone with Ox Tripe
Itsura
Minestrone with Ox Tripe
Sangkap
[baguhin]| ½ | kutsara | olive oil |
| ½ | kutsara | tinadtad na bawang |
| ½ | kutsara | tinadtad na sibuyas |
| 1 | piraso | kamatis, tinadtad |
| 1 | kutsara | tomato paste |
| 2 | kutsara | hiniwang pakuwadrado na carrot |
| 2 | kutsara | hiniwang pakuwadrado na celery |
| 2 | kutsara | hiniwang pakuwadrado na patatas |
| 2 | kutsara | hiniwang pakuwadrado na repolyo |
| 2 | kutsara | hiniwang leeks |
| 8 | tasa | sabaw ng manok |
| ¼ | tasa | pulang kidney beans, binabad magdamag |
| ¼ | tasa | binaling hilaw na spaghetti noodles |
| ½ | tasa | hiniwang lutong goto |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | paminta |
| ½ | kutsarita | basil |
| ½ | kutsarita | oregano |
| 1 | piraso | dahon ng laurel |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang.
- Papulahin at saka idagdag ang sibuyas, kamatis, tomato paste at mga gulay.
- Sangkutsahin at saka ibuhos ang sabaw ng manok.
- Isama ang beans at spaghetti.
- Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
- Lutuin hanggang lumambot ang beans at spaghetti.
- Idagdag ang goto.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Isama ang basil, oregano at laurel.
- Isalang pa ng 5 minuto.