Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Minatamis na saging

Mula Wikibooks
Minatamis na saging
Minatamis na Saging

Mga Sangkap:

[baguhin]
  • 6 na pirasong saging na saba
  • 1 tasang sago (maliliit)
  • 1/4 tasang asukal (puti)
  • 3 kutsarang minatamis na langka
  • anis

Paraan ng pagluto:

[baguhin]
  1. Lagain ang saging at sago sa isang tasang tubig sa loob ng 8 na minuto.
  2. Pag naluto na ang saging at sago, idagdag ang asukal at anis.
  3. Pakuluin hanggang lumapot at mabawasan ang sabaw.
  4. Kapag halos tuyo na ang sabaw nito, ilagay na ang hiniwang minatamis na langka at muling pakuluin ng dalawang minuto.
  5. Matapos ang dalawang minuto, maari na itong hanguin, palamigin at ihain.
  6. Maari rin itong lagyan ng yelo at gatas evaporada.