Pagluluto:Milk Marinated Fried Chicken
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 2 | kilo | manok, hiniwang katamtaman ang laki |
| 1 | tasa | gatas |
| 1 | kutsarita | pamintang puti |
| 1 | kutsarita | asin |
| 1 | piraso | dahon ng laurel |
| 2 | tasa | mantikang pamprito |
| 1 | tasa | harina |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang malaking mangkok, ibabad ang manok sa pinaghalong gatas, paminta, asin at laurel.
- Takpan ng plastic wrap at itabi sa repridyerator ng magdamag.
- Kinabukasan, patuluin ang manok sa kolander.
- Painitin ang mantikang pamprito.
- Igulong ang manok sa harina at saka iprito sa mainit na mantika hanggang maluto at pumula.