Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Menudo de Pescada-Isda

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 piraso lapu-lapu, katamtamang laki
1 piraso sibuyas bumbay, hiniwang pabilog
½ tasa tomato sauce
1 kutsara asukal
½ tasa puswelong langis ng ensalada
2 piraso kalamansi
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Pagkalinis ng lapu-lapu ay hiwaan sa likod at ibabad sa katas ng kalamansi, asin at paminta sa loob ng 1 oras.
  2. Pagsama-samahin anh siling pula, asukal, asin at paminta.
  3. Ipalaman ito sa isda.
  4. Ang malalabi ay ipatong sa ibabaw ng isda at ilagay sa isang hulmahan.
  5. Paghaluin ang tomato sauce at langis at ibuhos sa isda.
  6. Ipasok sa hurnong may init na 350°F at bayaang 1 oras o hanggang sa maluto.