Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Menudo

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
¼ tasa mantika
2 kutsara atsuete
3 butil bawang, dinikdik
1 piraso sibuyas, katamtamang laki, tinadtad
½ kilo baboy, hiniwang pakuwadrado
3 piraso hotdog, hiniwa ng pabilog
1 piraso siling pula (red bell pepper), katamtamang laki, hiniwang pakuwadrado
½ kutsarita paprika
1 tasa tubig
2 piraso patatas, katamtamang laki, hiniwang pakuwadrado
1 lata gisantes (green peas), maliit
½ tasa pasas (raisins)
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
2 kutsarita ginadgad na keso

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Magpainit ng ¼ tasa ng mantika sa kawali kasama ang 2 kutsara ng atsuete.
  2. Lutuin hanggang pumutok ang mga buto at magkulay pula ang mantika.
  3. Palamigin at salain.
  4. Painitin ang ginawang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  5. Idagdag ang karne at papulahin.
  6. Isama ang hotdog, sili, paprika at tubig.
  7. Hayaang kumulo.
  8. Hinaan ang apoy at lutuin ng 30 minuto.
  9. Idagdag ang patatas at gisantes, asin at paminta.
  10. Pag lumambot na ang patatas ay isama na ang keso.
  11. Lutuin hanggang matunaw ang keso.